^

Police Metro

Kuliglig driver niresbakan, utas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang  28 anyos na  kuliglig driver nang  abangan sa paradahan ng isang hindi pa kilalang naka-bonnet na lalaki at bistayin ng bala, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Mga tama ng bala sa  kaliwang leeg, kanang  baba at tiyan ang tinamo ng biktimang si Alfie Jimenez, residente ng #1381 Aguila St. , Moriones Tondo,  Maynila, kaya hindi na naisalba ang buhay nito nang isugod  sa Mary Johnston Hospital.

Inilarawan  ng isang saksi  ang  suspek na nasa edad 25-30, katamtaman ang laki ng katawan,  nakasuot  ng bonnet at sakay ng kulay itim na Honda motorcycle na walang plate number.

Sa ulat  ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, kapaparada lamang ng biktima ng kanyang minamanehong kuliglig dakong alas- 3:05 ng madaling-araw sa Plaza Moriones, nang sumulpot buhat sa likuran ng biktima ang suspek  at agad na pinagbabaril. Sinabi ni Tajonera, mahilig umanong mam-bully sa kanyang kapwa driver ang biktima at posibleng marami ring nakakaalitan dahil sa madalas na pang-aagaw ng pasahero kaya posible umanong niresbakan ito.

vuukle comment

AGUILA ST.

ALFIE JIMENEZ

INILARAWAN

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

MORIONES TONDO

PLAZA MORIONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with