^

Police Metro

Huwag sumakay sa mga kolorum vessel – PCG

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nananawagan ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pasahero na huwag suma­kay sa mga kolorum na motor vessel at iba pang sasakyang pandagat.

Sinabi ni PCG Spokesman Lt. Cmdr. Armand Balilo sa Balitaan sa Tina­payan na walang katiya­kan ang kaligtasan ng isang pasahero na gustong ma­kauwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong  Mahal na araw gamit ang sasak­yang pandagat.

“Huwag tayong mag-take ng chances para sa ating kaligtasan kaya huwag tayong sumakay sa mga colorum na sasakyang pandagat” ayon kay Balilo.

Paliwanag ni Balilo na ang “colorum” na sasak­yang pandagat ay yaong mga fishing boat na kadalasan ay nakikita lamang sa mga baybaying dagat at nagkukumbinsi ng kanilang mga pasahero.

Dagdag pa ni Balilo na ang mga colorum ay yaong mga hindi dumaan sa pag-inspeksiyon  sa mga pasahero, wala rin mga safety gadget tulad ng life jacket at hindi rin insured ang mga pasahero   

Ayon pa kay Balilo, hindi rin kaagad matutulugan ang mga pasahero kung sakaling may aberya ang kanilang sinasakyan dahil hindi konektado ang kanilang radio contact sa mismong tanggapan ng PCG.

Hindi rin umano nakadisenyo ang fishing boat na pampasahero at karamihan din sa mga ito ay over-loa­ding kung magsakay ng pasahero.

 

ARMAND BALILO

AYON

BALILO

BALITAAN

PASAHERO

PHILIPPINE COAST GUARD

SHY

SPOKESMAN LT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with