Dating sundalo, mag-ina tupok sa sunog
MANILA, Philippines - Nasawi sa sunog ang isang retiradong sundalo at isang mag-ina habang dalawa pa ang nasugatan makaraang aksidenteng masunog ang isang lodging house sa Kapatagan, Lanao del Norte.
Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Rolando Baco, 59, retiradong sundalo; Marion Lopez, 28 at anak nitong si Jeremy, 8.
Halos hindi makilala ang mga biktima matapos na matusta sa nangyaring sunog na pawang na-trap sa ikalawang palapag ng lodging house.
Nasugatan naman sina Brgy. Kagawad Rolando Mocoro, ng Brgy. Poblacion at misis nitong si Esther; may-ari ng Kapatagan Lodging House.
Sa imbestigasyon, bandang alas- 10:00 ng gabi nitong Miyerkules nang mangyari ang sunog sa nasabing lodÂging house matapos mag-brownout.
Dahil dito’y gumamit ng lampara ang nasabing lodging house na siyang pinagmulan ng sunog.
- Latest