^

Police Metro

P3-M ‘hot onions’ nasamsam sa Navotas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BoC) sa pamumuno ni Commissioner Ruffy Biazon ang isang cold storage sa Navotas City kahapon ng tanghali at nasamsam ang may P3 milyong halaga ng mga puslit na sibuyas.

Nabatid na aabot sa 5,000 sako ng mga puslit na sibuyas ang nakumpiska sa cold storage ng T.P. Marcelo & Co., Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng Honorio Lopez St., Barangay NBSS ng lungsod.

Bago ang ginawang pagsalakay ng ahensiya pasado ala-1:00 ng hapon ay una nang nakatanggap ng ulat sina Biazon, Deputy Commissioner Danny Lim at Intelligence chief Richard Rebong na may mga nakaimbak na puslit na sibuyas sa nasabing cold storage na umaabot sa P 3 milyon.

Nakatakdang paimbestigahan ni Biazon kung sino ang consignee at paano ito nakapuslit sa bansa at pananagutin nito ang nasa likod ng pagpupuslit ng mga sibuyas. - Lordeth Bonilla, Butch Quejada-

 

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DEPUTY COMMISSIONER DANNY LIM

HONORIO LOPEZ ST.

LORDETH BONILLA

MARCELO

NAVOTAS CITY

RICHARD REBONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with