^

Police Metro

KOKO inendorso ng grupo ni Robredo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa Kaya Natin! Movement for Good Gover­nance and Ethical Leadership sa pag-endorso nito sa kanyang kandidatura sa pagka-Senador sa halalan sa Mayo 2013.

Inendorso rin ng Kaya Natin ang tatlo pang kasamahan ni Pimentel na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay bilang pagkilala “sa kanilang pagkakatulad sa kahalagahan at kalidad ng lideratong ipinakita ng isa sa mga nagtatag ng grupo na si yumaong Jesse Robredo.”

 â€œBuong pagpapakumbabang tinatanggap ko ang hamon sa napakalaking gawain na tumugon sa ideya­lismo ni Kalihim Jesse.”

Nangako rin si Pimentel na kapag nagwagi ay kikilos para mas mabigyan ng kapangyarihan ang local government units (LGUs) sa muling pagsasampa sa Senado ng ‘bigger pie, bigger slice’ bill na magkakaloob sa mga pamahalaang lokal ng mas malaking pondo.

Ang kandidatura ni Pimentel ay inendorso  rin ng  Centrist Democratic Party at ng Makabayan Coa­lition.

Muli ring inulit ni Pi­mentel ang mga salita ni  Robredo na nakatatak sa kanyang isipan nang sabi­hing “hindi sapat na tayo ay matino lamang; hindi sapat na tayo ay mahusay lamang; dapat matino at mahusay.”

 

BAM AQUINO

CENTRIST DEMOCRATIC PARTY

ETHICAL LEADERSHIP

GOOD GOVER

JESSE ROBREDO

JUN MAGSAYSAY

KALIHIM JESSE

KAYA NATIN

MAKABAYAN COA

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with