^

Police Metro

‘5-6’ reresolbahin ni Bro. Eddie

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinalampag kahapon ni Bro. Eddie Villanueva, kandidatong senador ang gobyerno laban sa mga pa­mamayagpag ng mga hindi makatarungang lending practices sa bansa katulad ng 5-6.

Ayon kay Villanueva, hindi pa rin natatapos ang kultura ng “kapit sa patalim” lalo na sa mga mahihirap na tumatangkilik sa mga nag­papa-5-6.

Sa kabila aniya ng mataas na interes walang magawa ang mga nais mangutang sa mga “loan sharks” dahil karamihan sa mga mahihirap ay wala namang access sa mga legal na lending institutions o hindi sila kuwalipikado na mangutang sa bangko na kalimitan ay may hinihinging collateral.

Kalimitan din aniyang nabibiktima ng mga loan sharks ang mga magulang na nais pag-aralin ang kani­lang mga anak na palaging kinakapos sa gas­tusin sa pag­pasok sa esku­welahan.

Ayon kay Villanueva sa kaso ng 5-6 umaabot sa 20 porsiyento ang ipinapatong na tubo na pinapatulan naman ng mga nais mangutang dahil na rin sa kawalan ng pera at desperasyon.

Naniniwala si Villa­nue­va na may magagawa ang gobyerno at isa na rito ang pagbuhay sa Anti-Usury Law kung saan ipinagbaba­wal sa nasabing batas ang pagpapataw ng masyadong mataas na tubo.

ANTI-USURY LAW

AYON

EDDIE VILLANUEVA

KALIMITAN

KINALAMPAG

NANINIWALA

SHY

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with