HS student nagbaril matapos i-bully ng mga kaklase
MANILA, Philippines - Nagbaril sa ulo ang isang 14-anyos na estuÂdÂyanÂte ng isang Catholic School matapos ang maÂtinÂding depresyon dahil sa ginagawa umanong pamÂbu-bully sa kanya ng mga kaklase.
Patay na nang matagÂpuan ng mga pulis ang bikÂtimang si Lee Young Gunay, 2nd year high school student ng St. Bridget College sa kuwarto ng kanyang magulang sa bahay nila sa Madonna Homes SubÂdivision, BaÂrangay AlaÂngilan, Batangas City banÂdang alas-10:00 ng gabi noong Lunes.
Ang biktima ay nagtaÂmo ng isang tama ng bala ng baril ng kalibre 45 sa kanang bahagi ng kanyang sentido.
Ayon sa ama ng biktiÂma na si Willy Gunay, poÂsibleng matinding depÂÂresÂyon ang nagtulak para magpakamatay ang kanÂyang anak matapos buÂmagÂsak sa kanyang Math subject
Subalit ang ikinagulat ni Willy ang pahayag ng pamangkin na si Shaina sa nadiskubre nitong laman ng Facebook account at secret group ng pinsan.
Nabasa nito ang sa secÂret group ng pinsan na “2-Gratitude†ang mga kataÂgang- “dapat tumigil na tayo sa pambu-bully kay Leeâ€
“Ngayon ko lang nalaÂman sa mga classmates niya (Lee) na kung anu-ano pala ang itinatawag sa kanya noong nabubuhay pa siya†wika ni Willy.
“Tinatawag siyang buÂlugan, bakla at may body odor kaya laging tinutukso na naba-busted sa mga niÂliligawan niya†dagdag ni Shaina.
Sinisisi rin ni Willy ang class adviser ng anak dahil hindi muna sila kinausap sa bagsak na subject ng anak bago nito sinabihang kailangang mag-summer remedial class ito.
“Alam kong ayaw na ipaalam ng anak namin ang problema niya dahil sa sakit kong diabetes at sa hirap ding dinadanas ng mommy niya sa trabaho†paliwanag ni Willy.
Nakarekober ng isang suicide note sa tabi ng labi ng biktima na may nakasulat na – “Mame, Hwag nyo po kalimutan na mahal ko kayo, Leiâ€
Itinanggi naman ni Willy na sa kanya ang baril na ginamit sa pagpaÂpaÂkamatay ng kanyang anak at iginiit na may iba siyang baril na may lisensya.
- Latest