^

Police Metro

Burol ni Kristel dinagsa sa UP-Manila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinagsa ng libung ka­tao na nakikisim­patiya sa pagpanaw ng freshman student ng University of the Philippines (UP) Ma­nila ang burol ni Kristel Tejada na pan­samantalang inilagak sa Rizal Hall ng UP-Manila na nanatiling suspendido pa ang klase.

Kahapon ng alas-9:30 ng umaga nang dumating ang labi ni Kristel  mula sa Santuary Funeral Homes sa Sta. Cruz, Manila na sinalu­bong ng mga sumuporta na pawang nakasuot ng itim.

Makikita rin sa daanan patungong Rizal Hall ang ilang mga mensahe para kay Kristel ng kanyang mga kaklase at kaibigan na nakasulat sa mga pu­ting tarpaulin.

Inilipat ang labi ni Te­jada sa UP-Ma­nila para ma­big­yan ng huling respeto at necro­logical servi­ces ng  kanyang  mga kaibigan, propesor at kaeskwela.

Sa stage ng Rizal Hall idiniretso ang labi ni Kristel at dito kasamang naka-display ang mga na­ging uni­form niya sa UP, mga medalya at awards.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang sinimulan ang public viewing kay Kristel kung saan nag-alay ng bu­laklak ang unang 1,000 su­milip sa labi nito.

Tumagal ang unang public viewing hang­gang 12:00 ng tanghali na pansa­man­ta­lang itinigil para sa misa at muli itong binuk­san sa publiko ganap na alas-1:00.

Ngayong umaga ay magpapalipad ng pula at pu­ting lobo ang mga es­tudyante ng UP-Manila sa labas ng gate ng College of Arts and Sciences at bandang alas-9:00 ng umaga ay funeral march patungo sa  Mehan Garden, dadaan sa Rizal Avenue kung saan naman naghihintay ang ilang militanteng grupo, estudyante at kaibigan para magsaboy ng confetti sa kabaong ni Kristel, bago tuluyang bumalik sa Sanctuary Funeral Homes sa Sta. Cruz, Maynila kung saan gaganapin ang  huling lamay.

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

CRUZ

KRISTEL

KRISTEL TEJADA

MEHAN GARDEN

RIZAL AVENUE

RIZAL HALL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with