^

Police Metro

Na-heat stroke... graduating student dedo sa praktis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang graduating student na tatlong araw na lang bago umakyat sa entablado ang nasawi matapos na ito umano ay mag-collapse habang nagpa-praktis  ng kanilang graduation rites sa loob ng kanilang paaralan sa Quezon City kahapon.

Ayon sa impormas­yong ibinigay ng isang kaklase ng biktima, nakilala ang nasawi na si Rodesto Michael Lacerna, 15, 4th year high school student ng Philippine Science High School na matatagpuan sa Brgy. Pagasa.

Ang biktima ay idi­neklarang dead on arrival sa may Philippine Children’s Medical Center matapos itong mabuwal. Batay sa ulat, ganap na alas-9:00 ng umaga sa loob mismo ng nasabing paaralan, partikular sa school gymnasium na kung saan ay nasa kainitan ng pagsasanay ang mga 4th year student para sa gagawing commencement exercise ng mga ito, nang biglang bumuwal ang biktima.

Sa pagbuwal nito ay agad na nawalan ng ulirat ang biktima, kaya’t mabilis na isinugod sa school clinic, para magamot.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng otopsiya ang mga doktor ng ospital upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima na tatlong araw na lang sana ay aakyat na ito ng entablado para sana sa kanyang pagtatapos sa high school.

AYON

BATAY

BRGY

ISANG

MEDICAL CENTER

PHILIPPINE CHILDREN

PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL

QUEZON CITY

RODESTO MICHAEL LACERNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with