Obrero kinatay ng barangay kagawad, 3 pa
MANILA, Philippines -Pinagtulungang patayin ng apat na lalaki kabilang ang isang barangay kagawad ang kainuman nilang construction worker kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Ang nasawi ay nakilalang si Jimwel Agusin Besmanos, 23-anyos, residente ng no. 2507 Bonifacio St., Vitas, Tondo, Maynila. Ang mga suspek na tinutugis ng pulisya ay kinilaÂlang sina Brgy. Kagawad Ervin Juan ng Brgy. 106, Zone 152, ng Cadena de Amor St., Tondo; isang Richard Juan; isang Kenneth Queri at isang alyas “Ramsesâ€, ng no. 146 Rizal St., Tondo. Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa Bonifacio St., sa Vitas ,Tondo ay kainuman ng biktima ang tatlong suspek na kung saan sa gitna ng kanilang inuman ay nagkuwento ang una. Hindi nagustuhan ng isa sa suspek ang kuwento ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magkahamunan at dito ay sumali na ang tatlo pang kainuman at pinagtulungang saksakin ang biktima hanggang sa ito ay mapatay.
- Latest