UP-Manila nagdaos ng ‘day of mourning’ para kay Kristel
MANILA, Philippines -Nagdaos ng “day of mourning†ang pamunuan ng University of the PhilipÂpines-Manila sa kabila ng suspensiyon ng klase para sa nagpatiwakal nilang freshman student na si Kristel Tejada, 16.
Bukod dito ay napuno pa rin ng mga estudyante sa labas ng paaralan makaraang magsagawa ng pagtitipun-tipon para kondenahin ang ipinatutupad na ‘access’ sa edukasyon ng mga mahihirap na estudyante.
Nanawagan sila sa kaniÂlang mga kapwa estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral bilang pagpapakita ng pagpupugay kay Kristel.
Hinimok din nila ang mga mag-aaral na ipaglaÂban ang ‘more democratic, accessible and quality education’ para sa lahat.
Ayon naman kay Jason Alacapa, outgoing chairperson ng UP-Manila student council na nagulat sila at lubos na ikinalungkot ang pagkamatay ni Kristel na para na ring kawalan sa nakararami dahil sa paglaho na rin ng kanyang mga paÂngarap para itaguyod ang kanyang naghihikahos na pamilya.
Ipinunto naman ni Heart Dino, chaiperson ng UP-DiÂliman Student Council na ang edukasyon ay basic right na protektado ng internatioÂnal laws. Kaya’t obligasyon aniya ng estado na tiyakin na lahat ng mamamayan ay may access sa dekalidad na edukasyon.
Kasabay nito, muling nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng UP-Manila sa pamilya Tejada sa ginanap na pag-aalay ng misa sa loob ng campus.
Sa Homily na inialay kay Kristel ng UP-Manila FaÂculty and students, sinabi ni Reverend Father Geordan Orbe, resident priest ng UP-Philippine General Hospital, na nakikidalamhati sila sa sinapit ni Kristel.
Hiniling din ni Father Orbe na ipagdasal ang kaluwalhatian ng kaluluwa ni Kristel na aniya’y biktima ng kahirapan sa buhay.
Kaugnay nito, pinatawad na rin ni Ginang Blessy Tejada, ina ni Kristel, ang pamunuan ng nasabing paaÂralan at tinanggap nito ang tseke na abuloy.
Sinabi ni Ginang Tejada, na bagaman hindi humingi ng ‘sorry’ ang pamunuan ng UP sa sinapit ng kanyang anak, mas mabuting patawarin na lamang niya ang mga opisyal ng paaralan na nanggipit sa pag-aaral ng kaniyang anak.
Para kay Mrs. TejaÂda, ang pagdalaw noong Sabado sa burol ni Kristel ng ilang opisyal ng UP, na kinabibilangan ni UP-Manila Vice Chancellor Josephine de Luna ay marahil paghingi na rin ng paumanhin sa sinapit ng kanyang panganay na anak.
- Latest