6 skin whiteners nakakalason
MANILA, Philippines -Mahilig ka ba sa mga beauty products tulad ng pampaputi sa balat?
Mag-ingat ka,dahil sa may taglay na nakakalasong mercury ang panibagong produkto ng skin whitening creams na inihayag ng Department of Health na mapanganib sa kalusugan ng tao.
Alinsunod sa DOH-FDA Advisory 2012-018-A na inisyu noong Marso 14, pinalawig pa ang listaÂhan ng mga ipinagbabawal na mercury-containing skin whitening products, na mula sa 71 noong Nobyembre 2012 ay ginawang 77.
Nagbabala si FDA Director Kenneth Hartigan-Go sa publiko na mapaÂnganib sa kalusugan ang mga naturang skin whitening creams dahil sa taglay nitong mercury.
Kabilang sa mga nadagdag sa listahan ng banned cosmetics ay ang (1) Fruit & Lovely Quickacting WhiÂtener & Speckle Remover Package, (2) Yudantang Green Olive and Papaya Natural Essence 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream, (3) Spring Return Ginseng and Pearl Natural Pure Plants Whitening Cream, (4) Natural Orange Whitening and Anti-Aging Package, (5) TVC Spot Remover at (6) Yoko Whitening Cream with SPF-15.
Nabatid na ang mercury ay mapanganib sa kalusugan dahil maaari itong maging sanhi nang pagkaÂwala ng normal resistance ng balat laban sa bacterial at fungal infections.
Maaari rin umanong maÂisalin ang mercury ng mga buntis na gagamit nito, sa kanilang fetus, na malaunan ay maaaring magresulta sa mga bata ng neurodevelopment deficits.
Sa ilalim ng Republic Act 9711, ang FDA Act of 2009, ang mga indiÂviÂdual violators ay pinaÂpaÂtawan ng parusang pagÂkabilanggo ng mula isa hanggang 10 taon at multang mula P50,000 hanggang P500,000.
Para naman sa mga violators tulad ng manufactuÂrers, importers o distributors, ang pagkabilanggo ay mula lima hanggang 10 taon at multang P500,000 hanggang P5 milyon.
- Latest