Singil ng Meralco, bababa
MANILA, Philippines -Dahil sa inaasahang pagbabayad ng “refund†ng National Power Corporation (NAPOCOR) at Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) kaugnay ngâ€overpriced†na singil sa isinusuplay nilang enerhiya ay poÂsibleng bumaba ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa isinuÂsuplay nilang kuryente sa mga susunod na buwan.
Sinabi kahapon ni EnerÂgy Regulatory Commission executive director Saturnino Juan na natapos ang lahat ng pagdinig at palitan ng mga komento kung saan natukoy na ang halagang dapat ibalik sa Meralco na siya namang ibabalik sa kanilang mga kustomer.
Aabot umano sa P5.716 bilyon ang dapat ibalik ng Napocor at PSALM sa Meralco mula Nobyembre 2006 hangang Agosto 2012, kung isasama ang dapat isauli rin ng mga pribadong power generation companies ay aabot sa P9.8 bilyon ang dapat masingil ng Meralco sa “refundsâ€.
Ang naturang mga haÂlaga ay dapat ibalik ng Napocor, PSALM at mga pribadong generation companies sa Meralco na dapat ring ibalik sa kanilang mga kustomer.
Napagkasunduan din sa mga pagdinig na hindi isang bagsak ibabalik ang halagang ire-refund. Nasa P73.9 milyon kada buwan ang unti-unting ibabalik sa loob ng 70 buwan o maaaring ikaltas ang halaÂga sa kinukuhang suplay ng enerhiya ng Meralco.
Idinagdag pa ni Juan na sa susunod na buwan maaaring masingil na ito ng Meralco. Pinagsusumite rin nito ang Meralco ng hiwalay na petisyon para maobliga ang mga pribadong geneÂration companies na ibalik ang sobrang ibinayad sa isinuplay nilang enerhiya.
- Latest