^

Police Metro

P3-M halaga ng puslit na motor at kotse nasabat

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang  mga puslit na motorsiklo at kotse na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso sa port  ng Davao.

Nabatid na nagsasagawa ng masusing inspection ang mga tauhan ni Comm. Rozzano “Ruffy” Biazon nang matuklasan ng grupo ni Atty. Martiniano Bangcoy, district collector ng Tipasco Davao Port ang mga smuggled na Harley Davidson big bike at Dodge Car Ram 1500.

Ang kontrabando ay  nasa loob ng   isang forty-footer container van na galing ng Long Beach, California, United State of America na tinangkang ipuslit sa bansa noong Pebrero 21, 2013.

Hindi nakalusot sa mga tauhan ni Biazon ang mga nabanggit na sasakyan at kaagad nilang kinumpiska.

Kamakailan ay nasabat din ng mga tauhan ni Biazon  ang tatlong imported na sasakyan na  nagkakahalaga naman ng apat na milyong piso na nagmula rin sa USA at mga float glass na nagkakahalaga naman  ng P25 million galing ng bansang China.

Sinabi ni Biazon, sasampahan nila ng demanda ang consignee ng naturang mga smuggled na big bike at Dodge Car.

 

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

DODGE CAR

DODGE CAR RAM

HARLEY DAVIDSON

LONG BEACH

MARTINIANO BANGCOY

TIPASCO DAVAO PORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with