^

Police Metro

419 kilo ng Botcha, kinumpiska

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - May kabuuang 419 kilo ng ‘double dead’ na karne o botcha ang nasabat at kinumpiska ng mga tauhan Veterinary Office ng Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ang nasabing botcha ay nakita at kinumpiska sa palengke sa 3rd Avenue, Grace Park sa lungsod.

Nabatid na nagsasagawa ng regular na inspection ang mga tauhan ng City Vete­rinary Office sa palengke sa 3rd avenue nang masabat ang mga botcha na hindi pa natitilad.

Wala namang naaresto ang mga otoridad dahil sa basta na lamang iniwan ang mga botcha nang malaman na parating ang mga tauhan ng Veterinary Office

Binalaan naman ni Ca­loo­can City Mayor Enrico Echiverri ang mga negos­yante na tigilan na lamang ang pagtitinda ng karneng botcha dahil malaking abala ang sasapitin ng mga ito sakaling mahuli ng mga awtoridad bukod pa sa masamang epekto nito sa katawan ng taong makakakain nito.

vuukle comment

BINALAAN

CALOOCAN CITY

CITY MAYOR ENRICO ECHIVERRI

CITY VETE

GRACE PARK

NABATID

VETERINARY OFFICE

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with