^

Police Metro

50K Pinoy inalerto… Korean peninsula war nakaamba

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - May 50,000 Pinoy ang inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa South Korea dahil sa banta ng North Korea na magsasagawa ng matitinding pag-atake at pambobomba laban sa Sokor.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inihahanda na ang contingency plan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na posibleng maapektuhan sa napipintong giyera sa pagitan ng Sokor at Nokor.

Inatasan ng DFA ang Embahada na makipag-ug­nayan sa Filipino community organizations sa So­kor upang ihanda ang contingency plans dahil sa umiinit na sitwasyon sa pagitan ng nabanggit na dalawang nagbabanggaang mga bansa. 

Nagbanta umano ang bagong lider ng Nokor na si Kim Jong-Un na iwa-wipe out nito ang mga isla na malapit sa Baengnyeong, na malapit sa kanilang border.

Bunsod nito, matinding panic at takot ang bumabalot ngayon sa libu-libong residente na nakatira  sa limang border islands ng Sokor tulad ng Baengnye­ong at Yeonpyeong matapos ang ibinabang babala ng Pyongyang na nag-aatas sa mga residente doon na tumakas o lumikas na bago ang kanilang isasagawang “thunderous attacks” sa nasabing lugar.

Pinangangambahan na ito na ang magiging pinakamatinding giyera sa pagitan ng Nokor at Sokor matapos na batikusin ng Nokor ang isinasagawang South Korea-US joint military drill na nag-aanyaya umano ng giyera para sa kanila (Nokor).

Nauna nang inihayag ng DFA na sinusuportahan nito ang pagbuo ng United Nations Security Council ng UN resolution 2094 (2013) na nagbibigay ng mas matin­ding sanctions o parusa sa Democratic People’s Republic of Korea o Nokor dahil sa kanilang ginawang nuclear test noong Pebrero 12, 2013 na binatikos at ki­­non­dena ng iba’t ibang bansa kabilang na ang Estados Unidos at Pilipinas.

 

DEMOCRATIC PEOPLE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

KIM JONG-UN

NOKOR

SOKOR

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with