Sagupaan:1 rebelde,4 pa sugatan
MANILA, Philippines - Napatay sa sagupaan ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang apat pa nitong kasama ang nasugatan naganap sa bulubunduking bahagi ng Makilala, North Cotabato.
Sinabi ni Lt. Col. Lyndon Paniza, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID), nakasagupa kamakailan ng tropa ng Army’s 57th Infantry Batallion (IB) ang grupo ng mga rebelde na nangiÂngikil sa mga magsasaka ng saging sa Brgy. Luayon ng nasabing lugar.
Ayon sa opisyal, nagÂresponde sa lugar ang mga sundalo matapos makatanggap ng ulat hinggil sa pangingikil ng mga rebelde.
Agad na sinalubong ng putok ng nasa 40 rebelde ang tropa ng mga sundalo na nauwi sa bakbakan na tumagal ng may 30 minuto.
Napaslang ang isang rebelde na natukoy na miyembro ng Front ComÂmittee 72 ng NPA na sangkot sa talamak na extortion sa lalawigan habang apat na rebelde ang nasugatan na binitbit ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.
- Latest