Koko, ipinagtanggol ng misis sa paratang ni Migz
MANILA, Philippines -Sinungaling si UNA seÂnatorial candidate Juan Miguel “Migz†Zubiri.
Ito ang lumabas sa pahaÂyag ng asawa ni Senador Aquilino “Koko†Pimentel III na si Jewel May Lobaton-Pimentel sabay pakiusap kay Zubiri na huwag gamitin ang problema nilang mag-asawa sa propaganda ng dating senador sa halalan sa Mayo.
“I categorically state that I have never claimed nor complained to Migz Zubiri that I was a battered wife. In the close to twelve years that we lived together, my husband Koko Pimentel has never ever physically hurt me,†ayon sa pahayag ni Jewel.
Inamin ni Jewel na huÂmingi siya ng tulong kay Zubiri para lamang sa kustodiya ng kanilang dalawang anak ngunit matapos makipag-usap kay Koko ay nagkasundo sila sa “shared custody†ng kanilang mga anak.
Ipinangalandakan ni Zubiri sa debate nila ni Pimentel sa telebisyon na “battered wife†si Jewel dahil binubugbog ito ni Koko ngunit sa pahayag ng babae ay lumabas ang katotohanang nagsinungaÂling si Migz.
Ayon pa kay Jewel, naÂngako si Zubiri sa kanya na hindi gagamitin ang problema nilang mag-asawa sa propaganda sa halalan pero sumira sa usapan si Migz.
“For the best interest of my children, please keep my marital issues out of the campaign issues for a SenaÂte seat this 2013 elections,†pakiusap ni Jewel kay Zubiri. “My marital issues are not national issues. And my children have been greatly affected. Please spare my two sons, as they are mere children aged 8 and 3 years old respectively.â€
- Latest