^

Police Metro

DA chief naloko ng pekeng NGO

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong senador at isang partylist representative ang nakapagbigay ng pondo na umaabot sa P206 mil­yon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala para sa isang non-government organization  na Pangkabuhayan Foundation Inc., na napag-alaman na isa palang pekeng samahan.

Inamin ni Senate President Pro Tempore Sen. Jinggoy Estrada, na nagagalit siya dahil hindi pala nakara­ting sa mga magsasaka ang pondo na dapat gamitin sa kanilang pagsasaka.

Bukod kay Estrada, lumabas din sa report ng Commission on Audit na kasama rin sa naglaan ng pondo sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon Revilla Jr., na umaabot sa P195 milyon sa mga kuwestiyonableng NGOs noong 2011 at si dating  Buhay partylist Rep. Rene Velarde.

Sinabi pa ni Estrada nagtiwala siya sa DA na totoong NGO ang pi­nag­laanan niya ng kanilang Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF) matapos umanong magbigay ng
sertipikasyon ang tanggapan ni Sec. Alcala.

Kaya naman sinisi­si ng tatlong senador si Sec.  Alcala kung paano nakalusot ang nasabing kuwestiyona­bleng NGO .

 

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

ALCALA

DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

JINGGOY ESTRADA

PANGKABUHAYAN FOUNDATION INC

RAMON REVILLA JR.

RENE VELARDE

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE SEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with