Sinakal ng empleyado sa loob ng sasakyan… DILG officer ‘di nagpautang pinatay
MANILA, Philippines - Pinatay sa sakal gamit ang lubid ang isang opisyal ng Department of Interior and Local GovernÂment (DILG) matapos na matagpuan ang bangkay nito na nakasako at nakalagay sa compartment ng kanyang kotse na nakaparada sa parking area sa isang hotel sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay nakilalang si Ayres Osurman Napires, 32; DILG Officer sa Bombon, Camarines Sur.
Ang suspek na umamin sa pagpatay ay ang empleyado nitong si Dennis Erich Medina, 35-anyos, residente ng Villa Sorebilla Subdivision, Barangay Concepcion Grande ng lungsod.
Sinabi ni Supt. Renato Battaller, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 5, nadiskubre ang nagsisimula nang maagÂnas na bangkay ni Napires, matapos aminin ni Medina sa isang Atty.Lheila Mozenda na siya ang pumatay sa biktima matapos surutin ng kaniyang konsensiya.
Bandang alas-9:00 ng gabi nang makuha ang bangkay ng biktima sa loob ng compartment ng kaniyang Toyota Sedan na inabandona sa parking lot ng Villa Caceres Hotel ng Magsaysay Avenue, Naga City.
Nabatid na iniulat ng mister nitong si Gerald Napires noong Marso 8 na nawawala ang misis matapos itong magpaalam na papasok na sa trabaho kasama ang suspek na nagtungo sa kanilang bahay dakong alas-7:00 ng umaga, suÂbalit nabigong umuwi.
Ikinumpisal naman ng suspek na pinatay niya ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal ng lubid sa leeg sa loob ng Toyota Sedan noong Marso 8 bandang ala-1:30 ng hapon sa kahabaan ng Almeda highway ng lungsod.
Sinabi pa ni Battaler base sa ‘judicial confession’ ng suspek na habang nagmamaneho ng sasakÂyan ang biktima ay nanguÂngutang umano ito ng malaking halaga ng pera dahil sa nalululong ito sa online gambling, pero tumanggi ang biktima na magpautang.
Lumabas din sa imbesÂtigasyon na nagawang makapag-withdraw ang suspek ng P100,000 mula sa ATM card ng biktima, simula ng araw na mawala ito na posibleng pinilit nitong ibigay ang pin number bago pinatay.
- Latest