Riding-in-tandem nakipag-karera kay kamatayan
MANILA, Philippines - Kamatayan ang naging kapalit nang pakikipagkarera ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa isa pang motorsiklo sa Edsa, Mandaluyong City, matapos itong sumalpok sa isang kotse kamakalawa ng gabi.
Ang dalawang nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license na si Arnulfo Herrera habang ang isa ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 25-27, may taas na 5’6â€-5’7â€, medium built ang katawan.
Sa ulat ng isang testigo sa pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ay nakita nito ang mga biktima na mabilis na pinahaharurot at nakikipagkarera sa isang motorsiklo sa sa southbound lane ng Edsa.
Pagdating sa Connecticut St., ay nagpagewang-gewang ang motorsiklo at sumalpok sa isang Toyota Vios (TIF-997) na minamaneho ni Ramon Garcia.
Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima na una ang mga ulo na bumagsak sa kalsada na naging dahilan ng kanilang kamatayan.
- Latest