Testimonya ng testigo sa Ruby Rose murder case, binawi
MANILA, Philippines - Binawi ng testigo sa Ruby Rose Barrameda murÂder case ang kanyang nauÂnang testimonya hinggil sa detalyadong paglalahad kung paano dinukot, pinatay, isinilid sa drum saka inihulog sa karagatang sakop ng Navotas noong Marso 2009 ang biktima.
Batay sa nakasaad sa apat na pahinang sulat kamay na notice of withdrawal of consent and testimony ni Manuel Montero na habang sinusulat ay sinaksihan ng kanyang maybahay na si Irene Montero at anak na si Michelle Montero na sinumpaan noong Pebrero 25, 2013 kay Notary Public Atty. Salvador B. Junio ng IBP Pasig City at isinumite sa Malabon Regional Trial Court Branch 170.
Sa naturang salaysay, sinabi ni Montero na pawang kasinungaliÂngan ang inilahad niya sa sinumpaang salaysay na inihain niya sa Department of Justice kaugnay sa karumal-duÂmal pagpatay kay Ruby Rose BarraÂmeda, kapatid ng daÂting beauty queen at aktres na si Rochelle Barrameda.
Nakasaad din sa recantation ni Montero ang pagbawi sa sinumpaang salaysay laban sa akusadong si Manuel Jimenez.
Ayon kay Montero na kasinungalingan ang lahat ng nakasulat kanyang mga affidavit noong May 18, 2009 at June 11, 2009 na sinumite sa DOJ panel of prosecutors na ginamit din upang makapasok siya sa Witness Protection Program ng pamahalaan.
Taliwas sa mga orihinal na testimonya, sinabi ni Montero sa notice of withdrawal of consent and testimony na hindi siya kasama ng akusado sa mga naglagay kay Ruby Rose sa loob ng drum.
Binabanggit din sa salaysay ngayon ni Montero na siya ay turuang testigo at inutusan lamang na panindigan ang kanyang salaysay na pawang kasinungaliÂngan.
Kung noon ay pinagdiriinan ni Montero na kilalang-kilala niya ang mga akusado, sinasabi niya ngayon na hindi na niya kilala ang mag-amang Atty. Jimenez at Manuel Jimenez.
- Latest