^

Police Metro

35 tauhan ni Kiram nasabat ng PN

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 35 tauhan ni Sultan Jamalul Kiram na pinaniniwalaan ding nagsitakas sa sagupan sa Sabah, Malaysia ang nasabat ng Philippine Navy sa bahagi ng karagatan ng Andoli­ngan Island, Tawi-Tawi, kahapon ng umaga.

Ayon kay Navy Spo­kes­man Lt. Comman­der Gregory Gerald Fabic, dakong alas-6:30 ng umaga nang maharang ng Philippine Navy Patrol Ship (PS) 38 BRP Gen. Mariano Alvarez at PG 370 BRP Jose Andrada ang mga armadong tauhan ni Kiram sa kanlurang bahagi ng karagatan ng nasabing isla.

Sinabi ni Fabic na pinaniniwalaang ang mga naharang na mga indibidwal ay mga tauhan ng Sultanate Royal Army na binubuo ng isang babae at 34 lalaki na nagsitakas sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia dahilan armado ang mga ito.

Ang mga naharang na tauhan ni Kiram ay lulan ng dalawang bangkang de motor na ayon kay Fabic ay posibleng ga­ling Malaysia at maari ring bahagi ng reinforcement na nakatakda nilang iimbestigahan upang mabigyang linaw ang in­si­dente.

vuukle comment

FABIC

GREGORY GERALD FABIC

JOSE ANDRADA

KIRAM

LAHAD DATU

MARIANO ALVAREZ

NAVY SPO

PHILIPPINE NAVY

PHILIPPINE NAVY PATROL SHIP

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with