^

Police Metro

Nabagalan sa pagdating ng mga pulis… sekyu nainip sa entrapment, kotongerong sundalo pinatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilagay ng isang security guard na biktima ng pangongotong ang batas sa kanyang kamay nang barilin nito at mapatay ang isang babae na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na mainip sa mga pulis na magsasa­gawa nang entrapment dito sa loob ng Philtranco Bus Terminal sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 38 baril sa katawan ay nakilalang si Christine Tugade, na umano ay commission officer na may ranggong tinyente  ng AFP batay sa nakuhang ID ng AFP sa kanyang katawan.

Agad namang tumakas ang suspek na nakila­lang si Meladio Tindoy, 38, binata, security guard ng Kintanar Security Agency, dating sundalo at naninirahan sa 146-A, Roosevelt Avenue, San Francisco Del Monte sa lungsod. 

Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, may hawak ng kaso na kanila pang tinitignan kung authentic ang identification card ng biktima, dahil base sa itsura umano nito ay maaring peke at posibleng nagpapakilala lamang ito bilang miyembro ng AFP.

Ang suspek naman ay lumitaw na dating enlisted officer ng Philippine Army na natanggal sa kasong Awol o absent without leave. At dahil sa kagustuhan nitong makabalik bilang sundalo ay nagpala­kad umano ito sa biktima.

Dito ay nagbayad uma­no ng paunti-unti ang suspek sa biktima, para sa pag­lalakad ng kanyang do­kumento, hanggang sa uma­bot ito sa halagang P10,000.

“Posibleng kinokotongan (pineperahan) ng biktima ang suspek, kasi nga sa kanya nagpapala­kad para makabalik sa pagiging sundalo, pero mukhang peke ang biktima” sabi ni Quisumbing.

Matagal na umanong nakuha ng biktima ang pera sa suspek ay hindi pa rin naayos ang kanyang dokumento, kaya naghinala itong pineperahan lang siya at nagpasya na itong magsumbong sa himpilan ng Police Station 7 para sa entrapment operation.

Kaya naman ganap na alas-9:00 ng umaga nang muling puntahan ng suspek ang biktima sa Pantranco Bus Terminal sa kahabaan ng Edsa, corner Banahaw St., na binabantayan nito.

Dito ay inimpormahan ng suspek ang mga pulis na nakatalaga sa Police Station 7, subalit dahil sa tagal ng responde ng mga pulis ay nainip umano ang suspek kung kaya’t binaril nalang nito nang malapitan ang biktima.

“Actually, nahuli lang ng konti ng dating ang mga operatiba natin sa PS7 dahil sa gagawing entrapment, eh, hindi na nakapag-antay ang suspek, tinira na niya.” sabi pa ni Quisumbing.

Dagdag pa ni Quisum­bing, puro putok ng baril na lang umano ang nari­nig ng mga rumespondeng pulis kaya’t pagsapit sa lugar ay nakita na lang nila ang biktima na duguang nakahandusay at wala nang buhay.

ALVIN QUISUMBING

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANAHAW ST.

BIKTIMA

CHRISTINE TUGADE

DITO

POLICE STATION

SHY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with