Tampakan project, babantayan ng mga kabataan
MANILA, Philippine s- Nangako ang isang grupo ng mga nagtatrabahong estudyante at mga batang propesyunal mula sa mga bayan ng Malungon, Maasim, Maitum, Kiamba, Glan at Malapatan sa lalawigan ng Sarangani sa Southern Mindanao na babantayan nilang mabuti ang panukalang Tampakan mine project kung tumutupad sa panuntunan ng Environmental Compliance Certificate (ECC) nito.
Ayon kay Johnrell Revilla, pangulo ng mga kabataan sa lugar, handa silang mag-monitor at tumulong sa mga law enforcement agency upang matiyak na maipapatupad ang reponsableng pagmimina sa rehiyon.
Sinabi ni Revilla, ang $5.9 bilyong Tampakan project ang kinabukasan ng mga nagtatrabahong kabataan na isang magandang oportunidad sa kanila mismong lalawigan.
Tinukoy ni Revilla ang tinatayang 12,000 oportunidad sa trabaho na malilikha ng Tampakan project mula sa konstruksiyon hanggang sa operasyon at kailangan na lamang nila ng tamang kakayahan para maihanda ang kanilang mga sarili sa gawain.
Ani Revilla, nakipag-ugnayan na rin sila sa LGU’s, DepEd, DOLE at TESDA para magkaroon ng sapat na pagsasanay sa trabaho ang kanilang mga miyembro.
- Latest