^

Police Metro

300% RPT hike sa Parañaque, hindi totoo

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano totoo na magkakaroon ng pagtaas na 300 percent na singil sa Real Property Tax (RPT) sa Parañaque City. Ayon Dean Calleja, tagapag-balita ng Parañaque City, anim hanggang 20 porsyento lamang ang itinaas ng RPT at depende pa ito sa sukat at lokasyon ng mga lupa. Pinahihintulutan din umano ang naturang RPT increase ng Department of the Interior and Local Government at Department of Finance. “This is the only proposal to increase real property taxes in Parañaque since 1997, at mas mababa ang RPT increase sa Parañaque kumpara sa mga kalapit-lungsod natin,” ani Calleja.

Noong 2002, itinaas ng Pasay City ang kanilang RPT taxes ng 45 percent.

Sa Muntinlupa City ay 60 hanggang 200 percent ang itinaas ng RPT habang 60 percent naman sa Las Piñas City.

Sinabi pa ng opisyal na bilang patunay na wala namang nabago sa sinisingil ng Parañaque City Government sa RPT ay puwedeng ikumpara ng mga mamamayan ng lungsod ang kanilang binayarang RPT noon at ngayon.

AYON DEAN CALLEJA

CITY GOVERNMENT

DEPARTMENT OF FINANCE

LAS PI

PASAY CITY

REAL PROPERTY TAX

RPT

SA MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with