20-M Pinoy nagugutom – Enrile
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Cagayan Rep. Jack Enrile na may kabuuan umanong 20-milyong Pilipino ang nagugutom araw-araw.
Ayon kay United NatioÂnalist Alliance (UNA) Senatorial bet Jack Enrile na hindi sapat ang target na 6-7 porsiyento ng gross national product (GDP) growth ngaÂyon taon sa mga nagugutom na Pinoy.
Binanggit ni Enrile na habang patuloy sa pag-export ang bansa ng mga lokal na produkto sa ibang bansa ay mas lalong dumedepende ang pamahalaan sa pag-angkat ng mga imported goods.
Pinuna pa ng Cagayan solon, na prayoridad ang “food sovereignty†sa kanyang political agenda kung mahahalal sa Senado, ang mataas na unemployment rate at malnutrisyon partikular sa mga bata na lalong nagpapalayo sa economic growth ng bansa at sa mababang kalidad ng pamumuhay ng maraming Pilipino.
Si Enrile ang may akda ng House Bill (HB) 4626 o ang tinatawag na Food for Filipinos Act na tututok sa pagkakaroon ng national food requirement plan na magtuturo at magde-develop ng kakayahan ng isang rehiyon o probinsya sa bansa na mag-produce ng pagkain.
- Latest