OFW sa Saudi bibitayin!
MANILA, Philippines - Binibigyan na lamang na hanggang bukas ang Overseas Filipino Worker (OFW) upang maibigay ang P44 milyong blood money na hinihingi ng pamilya ng biktima kundi itutuloy na ang naudlot na pagpugot sa ulo ng nasabing OFW.
Nabatid na matatapos na ang apat na buwang extension o reprieve na ibinigay ng aggrieved party sa Marso 12, 2013 sa pamilya ng bibitaying OFW na si Joselito Zapanta, 32-anyos, tubong Bacolor, Pampanga upang maipasa ang tinatayang P44 milyon mula sa naunang demand na P55 milyon.
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tumataÂyong Presidential Adviser on OFWs’ Concerns na nakapagbukas na ng bank account para kay Zapanta ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at may inisyal na itong P4 milyon deposito mula sa ambag ng gobyerno para sa nasabing blood money.
May isang indibiduwal din aniya ang nagbigay ng P1 milyon na naipasok na rin sa nasabing bank account habang nagsasagawa ng fund raising ang kampo ni Pampanga Governor Lilia Pineda para sa blood money ng kababayang si Zapanta na nasa hanay ng mahihirap na pamilya.
Ang grupo ni Susan Ople ng Blas F. Ople Center ang tumutulong at nakikipag-ugnayan din sa pamilya Zapanta para sa ‘Save Zapanta†drive.
Si Zapanta ay nakatakda sanang pugutan ng ulo noong Nobyembre 14, 2012 subalit hindi natuloy matapos na pumayag ang pamilÂya ng Sudanese national na bigyan pa ng 4-buwang paÂlugit ang pamilya Zapanta na maibigay ang blood money.
- Latest