Singil ng Meralco tataas ngayong buwan
MANILA, Philippines - Ngayong buwan ay makakaranas ng P0.10 kada kilowatt hour (kWh) na pagtaas sa singil sa kuryente ang mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) bunsod na rin nang pagpapatupad nang inaprubahang pagbawi sa stranded contract costs ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) ng Napocor sa kabila nang pagpapatupad ng Meralco ngayong buwan ng mas mababang singil sa kuryente.
Nabatid na ang naturang stranded contract cost, na nagkakahalaga ng P0.1938 kada kWh, ay tumutukoy sa labis na contracted cost ng kurÂyente sa ilalim ng eligible contracts ng Napocor sa mga independent power producers (IPPs).
Bahagya lamang naman umanong mababawasan ang bigat ng paÂsanin ng PSALM dahil sa pagbaba ng generation, transmission at system loss charges ng Meralco.
Nauna nang inaprubahan ng Energy Regulation Commission (ERC) ang PSALM upang mabawi ng Napocor ang kanilang stranded contract cost na P53.581 bilyon mula sa lahat ng power consumers.
Mararamdaman umano ang naturang pagtaas sa universal charge component ng electricity bill ngayong Marso.
Sinabi naman ng Meralco na bumaba ang kanilang generation charge ng singko sentimo o mula P5.19 per kWh ngayong Marso mula sa dating P5.24 per kWh noong Pebrero.
- Latest