ECC sa Tampakan project, pananggalang para mapangalagaan ang kapaligiran
MANILA, Philippines - Nilinaw ni Engr. Sonny Sebial, isang independiyenteng eksperto sa larangan ng mga gawaing sibil at mga pasilidad sa minahan, na higit pa sa pananggalang sa potensiyal na epekto sa kapaligiran ang nakuhang environmental compliance certificate (ECC) para sa panukalang Tampakan mine project kaysa permiso na mag-operate.
Ayon kay Sebial, ang apliÂkasyon para sa ECC ay naÂkabatay sa environmental impact study na inoobliga ang proponent ng proyekto na tiyaking mapapangasiwaan nang maayos ang kapaligiran.
Ani Sebial, ang baseline data na inihanda ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) na kinontrata ng gobyerno para sa Tampakan project ay maaaring gamitin ng mga pamahalaang lokal para mahadlangan ang kalamidad.
Idinagdag niya na kapag lumabag ang SMI sa kondisÂyones na nakaangkla sa ECC ay madali para sa gobÂyerno na bawiin ito.
- Latest