^

Police Metro

Zaldy Ampatuan hiniling sa korte na makadalo sa graduation ng anak

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hiniling ni dating Maguindanao governor Zaldy Ampatuan, isa sa panguna­hing suspek sa 2009 Maguindanao massacre case na bigyan siya ng pahintulot ng QC court na makapunta sa Cotabato City para dumalo sa graduation ng panganay na anak sa March 24.

Sa dalawang pahinang kahilingan, sinabi ni Ampa­tuan na nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City na sana ay mapagbigyan siya ng QC court sa kanyang kahilingan dahil gusto niyang makasama ang anak sa mahalagang araw na ito.

Sinabi ni Ampatuan na siya ay handang maglagak ng travel bond na igagawad sa kanya ni QC RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Ang anak ni Ampatuan na si Prince Sufri Norabbie Ampatuan, 19 ay magta­tapos sa Albert Einstein School sa Cotabato City.

Niliwanag din ni Ampatuan sa pamamagitan ng abogadong si Atty Ashlin Clint Co na walang plano ang kanyang kliyente na tumakas kaya’t sana ay ma­payagan siyang makapunta sa graduation ng anak.

ALBERT EINSTEIN SCHOOL

AMPATUAN

ATTY ASHLIN CLINT CO

CAMP BAGONG DIWA

COTABATO CITY

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

MAGUINDANAO

PRINCE SUFRI NORABBIE AMPATUAN

TAGUIG CITY

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with