100 MNLF fighters sumugod sa Sabah
MANILA, Philippines - Nasa mahigit umano 100 puwersa ng galit na Moro National Liberation Front (MNLF) fighters ang nagawang makapuslit sa Mindanao lulan ng mga malalaking bangka upang tumulong sa tropa ni Datu Raj Muda Agbimuddin Kiram sa Sabah, Malaysia.
Ito ang kinumpirma ni Mr. Muhajab Hashim, Chairman ng Muslim Islamic Council na nagpupuyos sa silakbo ng matinding poot ang grupo ng mga pumuslit na MNLF fighters.
Nabatid pa na nagawang makalusot sa kordon ng PhiÂlippine Navy ang kanilang puwersa mula sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Sinabi ni Hashim na hindi na nagpaawat ang MNLF fighters na pawang ‘do or die’ rin sa isyu ng pagbawi sa Sabah na maglayag na patungo sa kinaroroonan ni Datu Kiram at ng puwersa nito na target ng ‘all out assault’ ng security forces ng Malaysia sa Lahad Datu, Sabah.
Ang mga nakapuslit na MNLF fighters ay pawang naka-full battle gear na dala ang kanilang malalakas na uri ng armas at bala tulad ng Rocket Propelled Gun upang tumulong sa puwersa nina Datu Kiram.
Sinabi ni Hashim na kabisado ng MNLF fighters ang lugar dahilan nagpapaÂroot-parito ang mga ito mula sa Western Mindanao patuÂngong Sabah.
Nilinaw nito na walang instruksyon o direktiba ang liderato ng MNLF na magÂtungo ang mga ito sa Sabah, at tumulong sa Sulu Royal Army sa bakbakan doon, pero talagang hindi na mapipigilan ang galit ng kanilang mga mandirigma na ayaw paawat.
Sa tala ang Islamic Command Council ang nangaÂngasiwa sa MNLF fighters bilang bahagi ng nilagdaang 1996 Peace Pact ng grupo ni MNLF Nur Misuari sa gobyerno.
Kinondena rin ni HasÂhim ang pagbabansag ng pamahalaan ng Malaysia sa grupo ni Datu Kiram bilang mga terorista dahilan wala aniyang tanging hangad ang mga ito kundi ang mabawi ang Sabah na minana pa ng angkan ng mga ito mula sa kanilang mga ninuno na lumilitaw na pinag-interesan na ng Malaysia.
- Latest