^

Police Metro

Malaysians pinag-iingat sa Pinas

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng advisory ang Malaysian govern­ment para sa kanilang mamamayan sa Pilipinas na doblehin ang gawing pag-iingat dahil na rin sa mga isinasagawang anti-Malaysian rally ng mga militanteng Pinoy na sumugod sa Embahada sa Makati City.

Ang pagpapalabas ng advisory ay dahil sa patuloy na pag-init ng bakbakan  sa pagitan ng Sulu Royal Army at Malaysian security forces na kung saan ay nagsagawa ng airstrike at ground attacks ang Malaysian troops sa mga Pinoy-Muslim na taga­suporta ni Sultan Jamalul Kiram III sa Lahad, Datu at ibang lugar sa Sabah.

Hiniling na ng Malay­sia sa Philippine authorities na dagdagan ang se­guridad sa kanilang Embahada sa Maynila at Konsulado sa Davao City upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng kanilang mamamayan.

Nagpasalamat pa ang Malaysia sa Philippine government at Philippine National Police dahil sa pagbibigay ng security protection sa kanilang Embahada at Konsulado.

Nagpalabas din ng advisory ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa may 800,000 Pinoy sa Sabah na maging kalmado sa sitwasyon hinggil sa nagaganap na bakbakan.

 

DAVAO CITY

EMBAHADA

KONSULADO

KUALA LUMPUR

MAKATI CITY

NAGPALABAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with