2 todas sa pamamaril sa Baseco
MANILA, Philippines -Dalawang lalaki na ang isa ay contruction worÂker habang ang isa ay dayo laÂmang ang naiulat na naÂsawi sa magkahiÂwaÂlay na insidente ng pamaÂmaril sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.
Ang nasabing consÂtruction worker ay kinilalang si Gener Boral, 36, ng 743 E. Rodriguez St., Malibay, Pasay City na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tenga at residente ng Block 11 Extension noong Lunes ng gabi. Tumakas ang suspek.
Kahapon naman ng alas-4:30 ng madaling-araw nang matapuang nakabulagta sa kalsada ang 25-anyos na si Rusty Salamat na binaril din sa ulo malapit sa kanyang bahay sa No. 69, Block 18 Extension. Isang paltik na baril ang nakita sa katawan nito.
Sa nakuhang imporÂmasÂyon ng pulisya sa blotter ng barangay at rekord sa presinto, sangkot sa serye ng pagÂnanakaw sa kaniÂlang lugar si Salamat.
Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang daÂlawang insidente ng paÂmamaril.
- Latest