^

Police Metro

Pekeng P1,000 nagkalat sa MM

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa panahon na nang halalan ay posibleng gagamitin ng mga sindikato ang mga pinakalat nilang pekeng pera sa Metro Manila at karatig lalawigan matapos na maaresto ng pulisya ang pitong miyembro ng “Da­anghari fake money syndicate” sa isinagawang operasyon ng Pasay City Police.

Ang mga naarestong suspek ay sina Jopee Alvarez, 27; Arne Abordo, 45; Ronalyn Melico, 23; Adrian Sta Romana, 27; Zoraida Briones, 30; Allan Rivera, 25; at Melvin Rambia, 42 pawang mga residente ng Taguig City.

Batay sa ulat may tat­long buwan nang mina­manmanan ng mga tauhan ni Senior Insp. Cesar Teneros ng Special Ope­rations Unit (SOU) ang grupo na natukoy na patuloy na nagpapakalat ng pekeng pera sa Ilocos Region, Southern Tagalog at sa National Capital Region (NCR).

Nagsagawa ng ope­ras­yon ang mga otoridad dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang mag­panggap ang isang ope­ratiba na buyer ng pe­keng pera.

Dito na pinaligiran ng mga pulis ang mga suspek sa kanto ng Taft Ave­nue at Gil Puyat Ave­nue matapos na magkabayaran na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang may 80 pira­so ng pekeng P1,000 na pinagbibili nila sa hala­gang P300 bawa’t isa.

Itinuro ng mga suspek ang lider ng kanilang grupo na isang alyas JR at Roy na kapwa residente ng Daang Hari sa Taguig City na umano’y nagsu-supply sa kanila ng pekeng pera na ginagawa umano ng isang Muslim trader sa Maharlika Village.

ADRIAN STA ROMANA

ALLAN RIVERA

ARNE ABORDO

CESAR TENEROS

DAANG HARI

GIL PUYAT AVE

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with