SC sa Comelec: Tarpolina na ‘Team Patay’ at ‘Team Patay’ ‘wag baklasin!
MANILA, Philippines - Hindi mababaklas ng Commission on Elections (Comelec) ang oversized poster na “Team Patay†at “Team Buhay†na nakaÂkaÂbit sa harap ng San Sebastian Church sa Bacolod City.
Ito’y matapos magpaÂlabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court at inatasan din ang Comelec na magkomento sa loob ng 10 araw hinggil sa isyu.
Itinakda ang oral argument sa Marso 19 dakong alas-2:00 ng hapon sa MayÂnila.
Napag-alaman na ilang beses na pinadalhan ng Comelec ng notice ang Bacolod church dahil sa nasabing oversized poster.
Ayon sa Comelec na maituturing na isang camÂpaign propaganda na sakop ng kanilang regulasyon ang hakbang ng simÂbahan.
Bago ito naghain ng petition for certiorari with the application for issuance of injunction o TRO sa Korte Suprema ang Diocese of Bacolod kaugnay sa pagpapatanggal sa kanila ng Comelec ng giant poster sa San Sebastian Cathedral.
Nakasaad sa tarpolina ng “Team Patay†ang mga pangalan ng mga senador na hindi dapat iboto sa Mayo dahil sa pagpabor ng mga ito sa Reproductive Health Law na sina Juan Edgardo Angara, Francis Escudero, Loren Legarda, Alan Peter CaÂyetano, Risa Hontiveros, Teddy Casiño at Jack Enrile. Kasama rin na hindi dapat iboto ang mga party-list groups tulad ng Gabriela, Bayan Muna, Akbayan at Anak Pawis.
Nakasaad naman ang kanÂdidato ng “Team BuÂhay†na sina Joseph VicÂtor Ejercito-Estrada, AntoÂnio Trillanes, GreÂgoÂrio HoÂnaÂsan, Mitos MagÂsaysay, Koko Pimentel at Cynthia Villar na pawang hindi suÂmang-ayon sa RH law.
- Latest