1 araw matapos mapatay ang vice mayoral bet sa Masbate… Konsehal patay sa ambush
MANILA, Philippines - Isang araw matapos na paslangin ng mga hindi pa kilalang suspek ang kandidatong bise alkalde ng Mobo, Masbate na si Isagani Lupaso, 41-anyos, ABC President, ay isa namang konsehal ng bayan ng Balud ang binaril at napatay kamakalawa ng hapon sa bayang ito.
Ang biktima ay nasawi dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng kaÂtawan ay nakilalang si Ladislao Macuha, 66.
Patuloy namang nilaÂlapatan ng lunas matapos ilipat na sa Masbate Doctors Hospital ang suÂgaÂtang si Florido Villalobos, 50.
Batay sa ulat ni Masbate Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Heriberto OlitiÂquit, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang pananambang sa biktima sa bisinidad ng Sitio Tambobo, Brgy. San Andres, BaÂlud.
Matapos na pagbabarilin ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destiÂnasyon.
Ang lalawigan ng MasÂÂÂbate ay kabilang sa mga lalawigang naideklarang 16 hot risk areas’ kaÂÂugÂnay ng pagdaraos ng midterm elections ngaÂyong buwan ng Mayo.
- Latest