^

Police Metro

Apo ng ex-senator nakabundol: Dalaga dedbol, kapatid at ina kritikal

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na da­laga ang nasawi habang ang kanyang ina at kapatid ay malubhang nasugatan makaraang mabundol sila ng isang rumaragasang kotse na minamaneho ng lalaki na nagpakilalang apo ni dating Senador Arturo Tolentino, kamakalawa sa Mandaluyong City.

Ang nasawi ay kini­lalang si Nikki Joy Ja­yo­na, receptionist ng kum­panyang Office Lux na matatagpuan sa Boni Avenue at naninirahan sa Anakpawis 2 West Bank Road, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Ang kapatid nitong si Nicole, 17 at ina na si Ma. Teresa Jayona ay nasa kri­tikal na kalagayan sa Victor R. Pontenciano Medical Center.

Ang suspek na nadakip ng pulisya ay nakila­lang si Joseph Tolentino, 21-an­yos, ng Unit 5 Spring Green Townhouse, Xavierville 1, Quezon City at nagpakilalang apo sa tuhod ni dating Senador Tolentino.

Batay sa ulat, papata­wid ang mag-iina sa west­bound lane ng Shaw Bou­levard, Brgy. Addition Hills para magsimba dakong alas-6:30 ng umaga nang sagasaan sila ng  suspek na driver ng Honda City (NTO-231)

Tinangka pa umanong takasan ng suspek ang mag-iina subalit, nahabol ito ng isang concerned citizen na nakamotor at naharang ito hanggang sa makahingi ng saklolo sa mga otoridad.

Nahaharap ngayon sa kasong homicide at double frustrated homicide thru reckless imprudence sa korte ang suspek na hinihinalang nasa impluwensya ng alak nang maganap ang aksidente.

 

vuukle comment

ADDITION HILLS

BONI AVENUE

BRGY

HONDA CITY

JOSEPH TOLENTINO

MANDALUYONG CITY

NIKKI JOY JA

OFFICE LUX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with