^

Police Metro

2 parak patay sa pananambang

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang pulis makaraang tambangan ng dalawang armadong lalaki sa Iligan City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., tagapagsalita ng PNP, ang mga nasawi ay kinilalang sina PO3 Christopher Neniza at PO2 John Yoland Manatad, pawang nakatalaga sa Iligan City Police Office.

Ang dalawa ay idineklarang dead on arrival sa magkahiwalay na ospital sa Iligan.

Ayon kay Cerbo, nangyari ang insidente sa Badilles St., Brgy. Poblacion, Iligan City, ganap na alas-9:35 ng gabi.

Nagpapatrulya ang mga biktima nang tambangan sila ng hindi pa kilalang mga suspek gamit ang mataas na uri ng armas. Sinabi ni Cerbo, bago tumakas tinangay pa ng mga suspek ang isyung 9mm at kalibre 45 ng mga biktima.

Si Manatad ay itinakbo sa Dr. Uy Hospital habang si Neniza ay sa Mindanao Sanitarium Hospital pero kapwa idineklara silang patay ng mga doktor ilang minuto matapos silang madala sa pagamutan.

 

vuukle comment

AYON

BADILLES ST.

CERBO

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER NENIZA

DR. UY HOSPITAL

GENEROSO CERBO JR.

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY POLICE OFFICE

JOHN YOLAND MANATAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with