^

Police Metro

Nagsimba muna bago nagpakamatay… Citimotors exec tumalon mula sa ika-10th floor ng condo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng kumpanyang Citimotors Philippines ang tumalon mula sa ika-10 palapag ng tinutuluyang condominium kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima ay nakilalang si Cesar Genato, nasa hustong gulang, vice-president for finance ng nasabing kumpanya at residente sa 10th floor ng Litrium Condominium na matatagpuan sa HV Dela Costa St., Salcedo Village, Makati City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang tumalon si Genato buhat sa ikasampung palapag at unang bumagsak sa canopy sa pagitan ng ikalawa at ikatlong palapag. Ngunit bumigay din ang canopy hanggang sa mahulog sa ground floor sa tapat ng gusali ang biktima.

Sa imbestigasyon, mag-isa lamang naninirahan sa kanyang unit si Genato na umano’y may dinaranas na malaking problema. Nahirapan pang pasukin ng mga pulis ang loob ng condo unit ng biktima na nakakandado kaya humingi ng tulong sa mga kaanak nito.

Ayon sa personal driver ng biktima na si Mark Anthony Asen, nagsimba muna ang kanyang amo bago nito inihatid sa kanyang condo.

Bago ito, sinabihan na rin siya ng mga kapatid ng biktima na bantayang maigi ito dahil sa may malaking problema at hindi na maganda ang ikinikilos. Naniniwala naman ang mga magulang ng biktima na walang nangya­ring foul play sa insidente.

 

vuukle comment

AYON

CESAR GENATO

CITIMOTORS PHILIPPINES

DELA COSTA ST.

GENATO

LITRIUM CONDOMINIUM

MAKATI CITY

MARK ANTHONY ASEN

SALCEDO VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with