^

Police Metro

Pagtulong ng mining firm kinilala ng Sarangani governor

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinilala ni Sarangani Governor Miguel Do­minguez ang naiambag ng kompanya sa pagmimina na Sagittarius Mines, Inc. (SMI) sa nakaraang siyam na taon na nakadagdag sa human development index sa mahihirap na munisipalidad ng lalawigan.

Inamin ni Dominguez na sa Malungon, isa sa mga munisipalidad ng Sarangani, may 30 porsiyentong dagdag sa nagpapa-enroll sa high school sa sektor ng indigenous peoples (IP) o mga katutubo dahil sa mga programang pangsuporta ng SMI.

“Dati ang Malungon ay isa sa pinakamahirap na bayan sa Sarangani pero nangunguna na ito ngayon sa pagpapatupad ng nasusustenahang programa sa public and private sector partnership,” diin ni Dominguez.

Ayon pa kay Dominguez na malaki ang naitulong ng SMI sa Sarangani sa inisyatiba kaugnay ng CBMS at katangi-tangi rin ang ambag ng SMI upang magkaroon ng extension campus ang Mindanao State University (MSU)  sa Barangay Malan­dag, Malungon sa aming lalawigan”.

Ani Dominguez, sa tulong nga mga pribadong kompanya tulad ng SMI ay nabawasan ang bilang ng mga out-of-school youths at nadagdagan ang antas ng mga nakakatapos sa pag-aaral sa susuunod na hene­rasyon.

ANI DOMINGUEZ

AYON

BARANGAY MALAN

DOMINGUEZ

MALUNGON

MINDANAO STATE UNIVERSITY

SAGITTARIUS MINES

SARANGANI

SARANGANI GOVERNOR MIGUEL DO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with