^

Police Metro

Jamby, ‘nag-inosente’ sa pa-contest sa FB

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay ng apat na pahinang pahayag si dating Senador Ma. Ana Consuelo “Jamby” Madrigal na kanyang isinumite sa tanggapan ni Atty. Esme­ralda Amora-Ladra, pinuno ng Law Department ng  Commission on Elections at ipi­nabatid na inosente o wala siyang alam sa pakontes sa social network kung saan ay namumudmod ng iPad.

Sa halip, itinuturo  ni Madrigal ang kanyang mga volunteer na gumawa ng naturang paligsahan na nagsimula noong Pebrero 14, 2013 na dapat  ay  matatapos sa Marso 14, 2013.

Aniya, na bagama’t nasa facebook at twitter accounts niya ang paanyaya, ito ay ginagawa naman ng kanyang mga volunteer at taga supporta na hindi nito pinangalanan na libre na sa serbisyo ay handa pa ring gumastos upang tumulong sa kanyang kampanya.

Kasabay nito ay pina­alalahanan ni Madrigal ang Comelec kaugnay sa sinasabing kinakaharap niyang kaso, dahil anya noong panahong binalangkas ang election law ay wala pang social network o internet kaya hindi pa ito maaaring ga­miting batayan sa kanyang magiging asunto.

Kung ipipilit naman aniya ng Comelec ang pagsusulong ng kaso laban sa kanya, dapat ay magkaroon muna ng legislation hinggil dito.

AMORA-LADRA

ANA CONSUELO

ANIYA

COMELEC

ESME

JAMBY

KASABAY

LAW DEPARTMENT

MARSO

SENADOR MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with