^

Police Metro

Mag-ina utas sa tandem

Cristina Timbang - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng isang mag-ina matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng isang pampasaherong tricycle sa Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Anthony Mutuc Henzon, 43, binata, ng Emerald Crest at ang ina nito na si Liwayway Mutuc, 67, habang nakaligtas ang 7-anyos nitong apong babae na kanilang kasama.

Hindi naman nakilala ang dalawang suspek na nakasuot ng bonnet na mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Batay sa ulat, dakong alas-2:50 ng hapon ay sakay ang mag-ina at apo  ng isang pampasaherong tricycle at nagpapahatid sa Area C.

Habang bumabagtas ang tricycle sa kahabaan ng Victoria Reyes ay huminto ito dahil sa trapik nang tapatan ng mga suspek at pagbabarilin.

 

vuukle comment

ANTHONY MUTUC HENZON

AREA C

BATAY

BRGY

CAVITE

DASMARI

EMERALD CREST

LIWAYWAY MUTUC

VICTORIA REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with