Parak dinedo ng nakamotorsiklo

MANILA, Philippines - Patay sa ambush ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin ng suspek na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa bayan ng Sara, Iloilo.

Ang nasawi ay kinilalang si PO3 Marlino Ables, miyembro ng San Dionisio Police matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay sakay ng motorsiklo ang bik­tima at binabaybay ang kahabaan ng highway sa nasabing bayan pauwi sa ka­ni­lang bahay nang ito ay sundan ng suspek na nakamotorsiklo rin.

Paglapit ng suspek sa biktima ay pinagbabaril ito hanggang sa bumagsak sa kalsada at ang una ay mabilis na pina­­sibad ang motorsiklo.

 

Show comments