HS student patay sa hazing

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Ronilo Rafante,14, 2nd year high school student sa Janiuy Comprehensive High School matapos na suma­ilalim sa hazing ng isang fraternity sa bayan ng Janiuay, Iloilo.

Sa naantalang ulat ng Iloilo Police, noong Peb­rero 22 huling nakitang pumasok sa eskuwelahan ang biktima na nabigo ng makauwi sa kanilang bahay matapos na sumama ito sa initiation rites ng sinalihang fraternity.

Nang makauwi ay nakita itong nanlulupaypay, tadtad ng mga pasa sa katawan at nakalugmok sa harapan ng isang tindahan malapit sa labas ng kanilang paaralan dakong alas-3:00 ng hapon.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima, pero nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Sa isinagawang otopsiya sa bangkay ng biktima, lumilitaw na may pasa sa loob ng kaniyang ulo ang biktima at namuo ang dugo sa kaniyang utak bunga ng paghampas ng matigas na bagay.

 

Show comments