^

Police Metro

Pinagbabaril sa harap ng asawa’t anak… Kandidatong konsehal itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang papalapit ang kampanya sa local election ay patindi nang patindi ang pagpatay sa mga kumakandidato tulad ng naganap noong Linggo ng gabi na kung saan ay isang 59-an­yos na lalaki na tumatakbo sa pagka-konsehal ng San Fernando City, La Union ang itinumba sa loob mismo ng kanilang bahay.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival sa Bethany Hospital ay nakilalang si Danilo Nisperos, residente ng Purok 7, Brgy. Bangcusay, San Fernando City.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi habang naglalaro umano ng baraha ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay nang pasukin sila ng suspek at agad na pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakas ang suspek gamit ang isang motorsiklo sa direksyon ng Brgy. Biday diversion road, habang itinakbo ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Narekober ng mga nag­respondeng operatiba ng San Fernando City Police sa crime scene ang limang basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas.

Sa tala ng PNP, simula noong Enero 13 sa implementasyon ng gunban hanggang nitong Pebrero 17 ay umaabot na sa 11 katao ang naging biktima ng karahasang may kaugnayan sa pulitika.

Samantala, kabilang ang La Union sa 15 lugar sa Region 1 na nasa areas of immediate concern na ipinalabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

BANGCUSAY

BATAY

BETHANY HOSPITAL

BRGY

DANILO NISPEROS

LA UNION

SAN FERNANDO CITY

SAN FERNANDO CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with