^

Police Metro

Sa pagkamatay ng tauhan ng gambling operator… 23 Pulis-Batangas kinasuhan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Kasong administrati­bo ang isinampa laban sa 23 mi­yembro ng Batangas Police na sangkot sa pag­ka­matay ni Fernando “Pan­doy”Morales, tauhan ng napatay na gambling operator na si Vic Siman sa pumalpak na ope­rasyon sa Brgy. Lipahan, San Juan, Batangas noong Enero 14 ng taong ito.

Magugunita na si Siman ay kabilang sa 13 kataong napatay sa kontrobersyal na shootout sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Supt.Raul Tacaca, C/Inspectors Cris­tito Acohon, Rodolfo Ama, Inspector Kent Jerek Capadosa, SPO4 Arturo Patulot, SPO2 Edgardo Ilagan, SPO1s Edilberto Eje, Erwin Cetron, Rodrigo Arguelles, Gener Pineda, PO3s Danilo Piol, Allan Natanauan, Luis Alexander Capacia, Jonathan Cansanay, Mark Christopher Aala, Floren­cio Austria, Christian Ca­guimbal, Ruel Dimaano, at Marlon Aguado, PO2s Reynold Ramirez, Bernie Alday, Herbert Rellora at PO1 Michael de Castro.

Samantalang ang da­lawa pang opisyal na sina Batangas Provincial Police Office Director P/Sr. Supt Rosauro Acio at Sr. Supt. Arner Dimabuyu, Regional Operations Task Force ng Batangas Police ay mahaharap din sa kasong administratibo kaugnay ng kabiguang isuperbisa ang operasyon pero kailangan pa ito ng clearance ng palasyo ng Malacañang.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., nahaharap ngayon sa kasong ‘serious irregularities in the performance of duties’  at posibleng madismis sa serbisyo ang mga pulis sa sumablay na operasyon noong Enero 14.

Inihayag ni Cerbo, base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Internal Affairs Service, gumamit ng sobrang puwersa ang arresting team laban kay Morales.

ALLAN NATANAUAN

ARNER DIMABUYU

ARTURO PATULOT

BATANGAS POLICE

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

BERNIE ALDAY

CHRISTIAN CA

DANILO PIOL

ENERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with