1 pasahero dedo sa tumagilid na jeep
MANILA, Philippine s- Hindi na umabot ng buhay sa Delos Santos Medical Center ang biktimang si Gerald Alvin Faypon, 29 dahil sa tinamong pinsala sa ulo matapos ang sinasakyang pampasaherong jeep ay tumagilid nang sumalpok sa dalawang kotse kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Quezon City.
Nasugatan naman ang mga pasaherong sina Roviedhel Arceta, 20; Rhodora Jacinto, 45; Rolando Javier Jr., 28; Visitacion Largo, 31; at Rizalina Montemayor, 32.
Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay tinatahak ng pampasaheÂrong jeep na minamaneho ni Romeo Igpit, 42 at biÂnabaybay ang kahabaan ng E. Rodriguez Sr., AveÂnue nang tumbukin nito ang kaliwang bahagi ng isang Mitsubishi Aventure na tinatahak ang kabilang direksyon ng nasabing kalye.
Sa lakas ng pagkakabangga ay napuwersang kumanan ang jeep at suÂmalpok naman sa Toyota Vios at sa kasamaang palad ay tumumba pataÂgilid ang jeep dahilan para maipit ang katawan ni Faypon sa bangketa ng nasabing kalye.
- Latest