Arestado sa entrapment operation… Lady medical rep suma-sideline ng bawal na gamot
MANILA, Philippine s- Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang entrapment operation sa Makati City ang isang babaeng medical representative na nahulihan ng 10 kahon na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.
Ang suspek ay kinilaÂlang si Cherry Anne Que, 33, ng Block 13, Lot 79, Phase 6, Carmona Estates Subdivision, Carmona, Cavite.
Isinagawa ang entrapment operation laban kay Que nitong Pebrero 18 makaraang makatanggap ng intelligence report sa iligal nitong aktibidad na bagama’t nagsu-suplay ng mga gamot sa mga lisensyadong botika ay sumasaydlayn naman ito ng iligal na drogang Oxycodone Hydrochloride na isang uri ng pain reliever na may epekto tulad ng morÂphine.
Nadakip si Que ng mga ahente ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Adrian Alvariño matapos tanggapin ang marked money sa pagbenta nito sa isang PDEA poseur-buyer sa harap ng isang botika sa kahabaan ng Amorsolo Street, Makati City, ganap na alas-3:00 ng hapon.
Nakumpiska sa suspek ang 10 kahon ng naturang gamot na may brand na Oxycontin at may lamang 28 tabletas na may dosage na 40 milligrams bawat isa.
Isang plastic container pa ang nakuha kay Que na may lamang 20 pang tabletas na tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga iligal na drogang nakumpiska. Nakumpiska rin ang gamit nitong Toyota Vios (ZMX-986).
Ayon sa PDEA, kabilang ang Oxycodone sa mga “dangerous drugs†na tinukoy ng United Nations noong 1961.
- Latest