Pasay City magdiriwang ng ika-150 anibersaryo
MANILA, Philippines - Malayo pa ang Disyembre 2 ay inumpiÂsahan na kahapon ng local na pamahalaan ng Pasay City ang mahabang selebrasyon para sa kanilang ika-150 anibersaryo nang pagkakatatag ng lungsod na tinaguriang “Travel City†at dito ay inilunsad ang 150 logos at iba pang memorabilia base sa kasaysayan ng lungsod
Ipinagmalaki ni Mayor Antonino Calixto ang paglago ng lungsod bilang paÂnguÂnahing destinasyon ng mga dayuÂhang turista sa Metro Manila dahil sa pagtataglay nila ng Ninoy Aquino InterÂnational Airport, world class na mga caÂsino, shopping mall, sports arena at mga cultural centers.
Kabilang sa mga programang tututukan ng pamahalaang lungsod ay ang pagtapos ng kanilang “relocation site†sa Taytay, Rizal para sa kanilang mga pamilyang maralita at pagtatatag ng isang “holding center†sa isang lupain malapit sa Manila International Airport para maging pansamantalang tirahan ng mga pamilya na matatanggal sa mga lugar na ididebelop para maging “in-city relocation siteâ€, dagdag na mga silid-aralan sa mga paaralan at pagtatayo ng Corazon C. Aquino National High School sa Maricaban, Pasay.
Base sa kasaysayan, tinawag na Pasay ang lungsod base kay Prinsesa Dayang-Dayang Pasay habang sa ibang kuwento ay dahil sa halamang gamot na “Pasawâ€.
- Latest